By: Dr. sharon m. sergio, master teacher i

Itinalaga bilang isa sa Top Performing Schools sa larangan ng Matematika ang Don Carlos Village Elementary School ng nasungkit nito ang over-all 4th runner up sa kakatapos lamang na Division Virtual Math Quiz Bee 2021 na may temang Mathinik  sa Gitna ng Pandemic  noong nakaraang Hulyo 5,2021.

Nakuha ni Atlhea Nicole Q. Samar ng Grade I ang ikalawang puwesto sa pamamatnubay ng kanyang trainer na si Gng. Gina Diaz.

 

Naiuwi din ni Gerald A. Layson ng Grade 2 ang ikawalang puwesto sa tulong ng kanyang Trainer adviser na si Gng. Marilou Lucis.

Kapwa naging 7th placer ang kalahok ng grade 3 at grade 4 na sina Jann Zedrick T. Delos Reyes at Jairus Asher G. Deslate sa gabay ng kanilang gurong tagapagsanay na sina Gng. Catherine P. Lumantas at Bb. Mylene Florendo.

 

Samantalang mapalad na nakapasok bilang ika 16th place ang kalahok ng grade 5 na si Juakin Barredo sa paggabay ni Bb. Marian B. Bristol at hindi pahuhuli ang nagkamit ng 18th place, pambato ng grade 6 na si Gian Venice Cuenca sa pagsasanay ni Bb. Sheryl Saudan.

Hindi maikakaila ng ating mga kalahok pati na ang mga gurong taga-pamatnubay ang kanilang sipag at tiyaga sa pag-eensayo kahit hirap sa online training dahil maikling palugit lamang ang naibigay sa kanila bilang paghahanda sa patimpalak ngunit nagawa pa rin nilang humakot ng mga karangalan para sa ating munting paaralan.

Mula sa  pamunuan ng paaralan isang malugod na pagbati sa inyong lahat!!!