Tuwing Agosto ay ipinagdiriwang ng buong bansa ang pagkakaroon ng sariling wika. Idinaraos ito taun-taon na naglalayong palawigin at patatagin ang Wikang Filipino bilang wikang pambansa.

Sa kasalukuyang taon idinaos ito na may temang, Wikang Katutubo: Tungo sa isang Bansang Filipino.

Maraming patimpalak ang inihanda para salihan at kasiyahan ng mga mag-aaral ng paaralan.

Ito’y nagbibigay ng pagkakataon para sa mga mag-aaral na ihayag ang kanilang pagmamahal sariling wika sa pamamagitan ng mga gawain at patimpalak na inihanda.

“Ipagpapatuloy ang pagsasaliksik at pagpapayabong ng sariling wika hanggang mayroong nagmamahal sa wikang ating inaalagaan na siyang tulay sa ating pagkakaisa at pag-ulad” wika ni Gng. Lorraine Makalintal