Mula kay Lorainne Jamilah a. makalintal
Kada Agosto ng bawat taong-akademiko, ang “Buwan ng Wika” ay isa sa mga pinaka-aabangang kaganapan sa lahat ng mga paaralan, mapa-elementarya, sekondarya, at maging sa kolehiyo. Taun-taon, espesyal ang Agosto para sa wikang pambansa. Bukod tangi ang Pilipinas sa nagdiriwang ng Buwan ng Wika, marahil ito ay pagpapaalala sa atin na dumarating tayo sa yugtong nakalilimutan at pilit pinapatay ang pag-aaral sa wika at panitikang Filipino.
Pangunahing tema sa pagdiriwang na ito ang “Wika ng Kasaysayan, Kasaysayan ng Wika” Ang mga Katutubong Wika sa Maka-Filipinong Bayanihan Kontra Pandemya. Malinaw na pinag-uugnay nito ang halaga ng Filipino at mga katutubong wika sa bansa bilang panlunas sa nararanasang pandemya. Ang pagkakaroon ng kolektibong pag-unawa ng sambayanan hinggil sa krisis pangkalusugan ay isang mahalagang lunas.
Ayon sa Komisyon ng Wikang Filipino, wika ang tulay sa paghahatid ng kamalayan sa sangkatauhan upang ang COVID-19 ay mapigilan. Tinitingnan dito ang Filipino at mga katutubong wika sa bansa bilang tagapamansag ng kolektibong paghahanap ng pag-asa sa gitna ng krisis o matinding pangangailangan. Dagdag pa rito, kadalasang napag-iiwanan hinggil sa kinakaharap na sitwasyon ang mga nasa laylayan ng lipunan dahil nasa banyagang wika ang ginagamit sa pagpapaliwanag.
Magkakaugnay ang salitang wikang Filipino at Kasaysayan, ang pagkakabit-kabit ng bawat isa ay mahalaga sa pagsugpo sa panahong kinakaharap natin ang krisis pangkalusugan ng bansa. Pumalo na tayo sa higit 300,000 kaso ng COVID-19 at patuloy itong tumataas. Marami na rin ang namatay dahil sa virus na ito. Ngayon, higit kailanman, kinakailangan ng mga karaniwang Pilipino ang akses sa tamang impormasyon mula sa mga eksperto para maisagawa ang tamang gawain upang maprotektahan ang bawat isa. “Buwan ng Wika” ang isa sa mga pagkakataon natin upang ito ay pagyabungin at ipagmalaki. Pagkakataon din ito upang iparating sa ating mga kababayan na ang ating pambansang wika ay hindi lamang para sa pakiki-pagkomunikasyon ngunit siya ring pundasyon ng ating pagkakakilanlan bilangisang indibidual at bilang isang bansa.Ang wika ng isang bansa ay masasabi natin na kaluluwa ngisang bansa na siyang nagbibigay buhay dito. Ito ay nagsisilbing tulay na siyang nagdurugtong samga komunidad na naninirahan sa isang bansa. Sa pamamagitan nito, ang pagkakaisa atpagkakaunawaan sa bawat tao ay lalong yumayabong. Ito rin ang nagsisilbing susi ng ating pagkakakilanlan, sa pamamagitan nito, nakikilala ng ibang tao kung sino tayo. Ang importansya upang lalong paunlarin at palawakin ang ating pambansang wika ay matagal nangbinibigyang pansin ng mga namumuno sa ating bansa. Sa Pilipinas mayroon tayong higit sa isangdaang klase na lengguahe na ginagamit mula Batanes hanggang Tawi-tawi, ngunit ang pambansangwikang “Filipino” pa rin ang siyang mas malimit na ginagamit at mas naiintidahan sa buong kapuluan.
Sa ating mayamang salita, madali nating makikita ang iba’t-ibang impluwensya na siyangnakapagbago at humulma sa pagkatao ng mga Filipino. Samakatwid ang wika rin ay maari ringmaging batayan ng ating nakaraan at kultura.ng buwan ng wika ay ipinagdiriwang tuwing Agosto sapagkat ito ang buwan ng kapanganakan ni Manuel L. Quezon (Ika-19 ng Agosto), itinuturing na nagsulong ng paggamit ng wikang Filipino. Sa panahon ng pandemya, importante ang tamang pagpapakalat ng impormasyon gamit ang iba’t ibang midyum. Isang halimbawa ang pagpapakalat ng mga kalatas tulad ng poster, flyers, tarpaulin at iba pa na tumutugon sa mga impormasyon at alituntunin tungkol sa virus. Sa paghahatid ng mga kaalaman, mahalaga ang pagsasalin o paglilipat ng isang teksto sa pinakamalapit na diwa at kamalayan ng komunidad. Sa pamamagitan din ng pagsasalin, magkakaroon ng pag-unawa sa kaalaman mula sa eksperto patungong sambayanan.
Dahil hindi lamang ang Pilipinas ang humaharap sa pandemyang ito, may malaking papel ang mga impormasyong galing sa global na komunidad na maaaring magamit sa konteksto ng Pilipinas, dito papasok ang pagsasalin. Sa pandemyang ito, hangga’t maaari ay walang dapat maiwan, kailangang maging aksesibol ang lahat ng mga mahahalagang impormasyon sa mga taong bayan. Walang halaga ang impormasyon kapag hindi ito nauunawaan.
Ngayong panahon ng pandemya, kinakailangan ng bawat isa ang makatarungang impormasyon. Sa ganitong pamamaraan, ang mga serbisyong pampubliko ay higit na nagiging epektibo at episyente, dahil nagkakaunawaan ang nagbibigay ng impormasyon at tumatanggap nito—bahagi ng ating karapatang pantao.